“Sabi ko sayo eh”

Minsan, may mga pagkakataong kailangan nating mamili kahit ayaw natin. Nung grade 5 ako, nagkaroon ng poll sa klase namin: sinong pipiliin mo, yung mahal mo o yung mahal ka? Hindi pang-grade school na tanong kaya’t bilang isang inosenteng bata na wala pang alam sa mga ganyang klaseng bagay at nakabase lang ang sagot sa mga napapanuod sa tv, pinili ko yung taong mahal ko pero hindi ako mahal. Hindi na ‘ko nakuntento at dinagdagan ko pa ng “I’ll make him fall in love with me.” Bakit nga ba ako hinayaan ng magulang kong manuod ng teleserye gabi-gabi kasama sila? Nahaluan tuloy ng fiction-kind-of-love ang utak ko.

Pero masasabi ko pa kaya ulit ‘yan? Ang piliin ang taong mahal ko? Oo.

Tama naman ako ‘di ba? Bakit ko ipipilit yung sarili ko sa taong hindi ko naman mahal? Dahil ba ayaw ko siyang masaktan? Dahil ba takot akong habulin ng karma kapag hindi naging maayos ang lahat? O dahil hindi ko lang talaga siyang kayang mahalin? Hindi ko mahal, ‘di ba? (Anong nangyari? Hindi na yata ako sigurado sa sagot ko.)

Kung iisipin lang ng maigi, ang mga katanungan din na ibinato sa itaas ang maiisip ng taong mahal ko kung hindi niya ako mahal kaya’t alam ko na ang kasagutan; baka ayaw niyang masaktan ako, baka takot siyang magmahal, baka hindi niya lang talaga ako kayang mahalin, at baka may mahal na pala siya hindi ko lang alam.

Ngayon, masasabi ko pa kaya ulit ‘yan? Ang piliin ang taong mahal ko? Siguro.

Bigyan lang sana ako ng pagkakataong makausap ang 15 y.o. na ako at ito ang sasabihin ko sa kanya kahit alam kong hindi naman siya makikinig: “Intindihin mo ‘to nang hindi ako magkaganito. ‘Wag mong pipiliin yung taong mahal mo kahit gaano mo pa siya kamahal kung ayaw mo siyang mahirapang pilitin ang sarili niyang mahalin ka o di kaya’y pahirapan ang sarili niya sa pagtaboy ng pagmamahal mo. Ayaw ka niyang saktan pero tandaan mong mas ayaw niya sayo. Mahalin mo siya, sige. Gawin mo ang lahat ng abot ng makakaya mo pero alamin mo kung kailan ka hihinto. Kung hihinto ka na, ‘wag ka nang babalik. Hayaan mo na siya, ‘wag ka nang lumingon pabalik. Hayaan mo na siya.”

Narinig ko na yata? Hindi ko na pinili yung mahal ko, ayaw ko na. Hindi na kita pinili. Pagod na ako.

Ayoko nang mamili.

Ayoko na ulit mamili.

Ayokong pumili.

Pagod na ako.

“Sabi ko sayo eh, siya pa rin ang pipiliin mo.” sabi ng kaibigan ko.

Ayan, pinili nanaman kita.

Advertisements

5 thoughts on ““Sabi ko sayo eh”

  1. Ang mga teleserye kasi ay nagbibigay ng isang kakaibang pakiramdam sa mga manonood nito. Kung pagbabatayan ang kasaysayan, bago pa man dumating ang mga kastila, ang mga alipin ay ginagawang stepping stone ang kanilang mga amo para umakyat ang kanilang antas sa lipunan. Kalimitan din natin itong makikita sa kasalukuyang teleserye. Sa Be Careful with My Heart, hindi naiwasan mainlab ni Maya kay Sir Chief. Pero kung babasahin pa ito nang mas lalim, makikita na yumaman si Maya dahil kay Sir Chief. Tinatago lang ng konsepto ng pag-ibig ang mga kalagayang pang-ekonomikong gustong makamit ng bida sa kuwento. Halos ganyan din ang nangyari kay Marimar at sa maraming pang iba.

    Maraming salamat sa iyong sinulat. Mabuhay ang mga taga-PLM. Taga-Tondo pala ako. Marami akong naging kaibigan sa PLM. Sige. Mabuhay ang the Torch!

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s