Tuesday

When did it start? When did I start waiting for Tuesdays? It feels like I’ve always loved that day, but no. Tuesday was just another day to cry, to laugh, and to live until the day I met you. You made Tuesday sound so perfect like it is our day- I mean, you don’t actually know, right? You may not know it but the thing is, all our tiny moments are collected on Tuesdays! And so I wait for it every week. I wait and I wait and I get tired of having nothing on Tuesdays and then you’d do something on a Tuesday again, and I’ll forgot how my steps are going farther. It doesn’t matter anymore, does it? You made it clear that the question should be “When will your Tuesdays end?” And so I wait. I wait for the Tuesdays to end. (It just won’t)

Advertisements

To paint

You create masterpieces,

Shaped my world only with your stare.

 

If I give you a canvas, what would you paint?

I knew you’d pick a few colors 

With shades I’ll never know

Would it be the vibrant ones? 

Or those that make everything dull?

Maybe you’d get a brush or a few

Then a water-well and a towel

And this blank canvas will soon tell a story

From brush and techniques I’ll never know

 

You almost did it. You had it done;

Had handpicked the colors,

Had canvas in front of you,

Had water-well to change tones,

Had a towel in case something drips, and

Had the brush in your hands!

 

You know, I could have been your artwork

But the paint did not touch the brush

And the canvas never felt any brush

Kulang at kapos

Kumbaga sa isang nobela

Ako ang kabanatang hindi nasundan

Ang librong hindi mababasa ng iba

Ang storyang hindi nakarating sa dulo

 

Sa pelikula, ako ang eksenang hindi tinapos

Minsan ako ang eksenang nagawa

Nagawa at hindi isinama sa pelikula

 

Ako ang kulang. Tayo ang kapos.

Iba raw ang kulang sa kapos

Nandyan pero hindi sapat, kulang

Hindi talaga, wala talaga, kapos

Kinulang ako kaya kinapos tayo

Pero sana binuo mo ako

Sudden thought

Here comes the time of the day

Where this one thought will pop

Keeping the whole train wondering

If this thought’s from thinking of you

Or if this thought leads to you.

I would fight myself for this alone

Without having to wait, 

But force a way for the answer

And the answer has always been none of the two

Just the usual maybe you are my every thought

 

“What’s the thought?” You may ask

And I’ll give you a smile for an answer

You’ll raise your eyebrow, pleading

I, of course, will notice and I know

I’ll have to brush it off, to step back, to stop

“He isn’t interested” I’ll say to myself

 And that’s the thought that never goes away.

Cup of coffee

How do you like your coffee? Bitter or sweet? 

Pardon me for not knowing a small detail

Pardon me for trying to know

The kind of cup you sip in the morning

And in the night, to keep yourself awake

Pardon me for believing I’d know your coffee

When you prefer a cup of tea.

Isinulat para lamang sa’yo

Ikaw ang umpisa ng talata. Sayo iikot ang sulating ito. Susubukan kong paghalu-haluin ang mga salita, susubukang kuhain ang atensyon mo. Hindi ko alam kung ano ang magiging huling salita, pero sana’y makarating ka roon. 

Kumusta ka naman? Ano ba ang dahilan kung bakit taon na ang dumaan mula noong huli nating pagkikita? Hindi pa rin ba ako sapat? Ano bang kulang sa akin? May nagawa ba akong mali? ‘Wag kang mag-alala hindi sa tandang pananong matatapos ang sulating ito.

Hindi ako umaasang magkakaron ni isang sagot, kaya’t narito ang mga pakiusap ko. Pakinggan mo naman ako. Isipin mo naman ako. Magkita naman tayo. Mag-usap naman tayo. 

Susundan ko ng tuldok lahat ng pangungusap at pakiusap, ayaw ko mang tumigil kahit sandali. Sana alam mong mas ayaw kong marindi ka sa mga katanungan at ayaw kong maumay ka sa mga pakiusap. Kaya kahit hindi ko gustong sundan ng tuldok ang huling salita, kinakailangan kong lagyan dahil ayaw kong mapagod ka.

May lilinawin lang ako bago ko tapusin ang inumpisahan ko. Itong sulatin lang na ito ang bibigyan ng tanong at lalagyan ng tuldok dahil ito lang naman ang nag-umpisa.

Hindi ko sinasadyang kalimutan

Hindi na ata mawawala sa isipan

Ang panahong sinabi mo sa aking

Nararapat nang kalimutan kita

 

Bakit ba hindi na lang sa bibig ng iba manggaling?

Bakit ba sayo ko pa kailangang marinig?

Bakit hindi na lang sa iba sinabi?

 

‘Wag kang magalit, sinubukan kong limutin ka

Pero pasensya na, ang hirap ng kahilingan mo

Patawarin mo ako sa hindi pagtupad,

Nakalimutan ko nanamang limutin ka

“Sabi ko sayo eh”

Minsan, may mga pagkakataong kailangan nating mamili kahit ayaw natin. Nung grade 5 ako, nagkaroon ng poll sa klase namin: sinong pipiliin mo, yung mahal mo o yung mahal ka? Hindi pang-grade school na tanong kaya’t bilang isang inosenteng bata na wala pang alam sa mga ganyang klaseng bagay at nakabase lang ang sagot sa mga napapanuod sa tv, pinili ko yung taong mahal ko pero hindi ako mahal. Hindi na ‘ko nakuntento at dinagdagan ko pa ng “I’ll make him fall in love with me.” Bakit nga ba ako hinayaan ng magulang kong manuod ng teleserye gabi-gabi kasama sila? Nahaluan tuloy ng fiction-kind-of-love ang utak ko.

Pero masasabi ko pa kaya ulit ‘yan? Ang piliin ang taong mahal ko? Oo.

Tama naman ako ‘di ba? Bakit ko ipipilit yung sarili ko sa taong hindi ko naman mahal? Dahil ba ayaw ko siyang masaktan? Dahil ba takot akong habulin ng karma kapag hindi naging maayos ang lahat? O dahil hindi ko lang talaga siyang kayang mahalin? Hindi ko mahal, ‘di ba? (Anong nangyari? Hindi na yata ako sigurado sa sagot ko.)

Kung iisipin lang ng maigi, ang mga katanungan din na ibinato sa itaas ang maiisip ng taong mahal ko kung hindi niya ako mahal kaya’t alam ko na ang kasagutan; baka ayaw niyang masaktan ako, baka takot siyang magmahal, baka hindi niya lang talaga ako kayang mahalin, at baka may mahal na pala siya hindi ko lang alam.

Ngayon, masasabi ko pa kaya ulit ‘yan? Ang piliin ang taong mahal ko? Siguro.

Bigyan lang sana ako ng pagkakataong makausap ang 15 y.o. na ako at ito ang sasabihin ko sa kanya kahit alam kong hindi naman siya makikinig: “Intindihin mo ‘to nang hindi ako magkaganito. ‘Wag mong pipiliin yung taong mahal mo kahit gaano mo pa siya kamahal kung ayaw mo siyang mahirapang pilitin ang sarili niyang mahalin ka o di kaya’y pahirapan ang sarili niya sa pagtaboy ng pagmamahal mo. Ayaw ka niyang saktan pero tandaan mong mas ayaw niya sayo. Mahalin mo siya, sige. Gawin mo ang lahat ng abot ng makakaya mo pero alamin mo kung kailan ka hihinto. Kung hihinto ka na, ‘wag ka nang babalik. Hayaan mo na siya, ‘wag ka nang lumingon pabalik. Hayaan mo na siya.”

Narinig ko na yata? Hindi ko na pinili yung mahal ko, ayaw ko na. Hindi na kita pinili. Pagod na ako.

Ayoko nang mamili.

Ayoko na ulit mamili.

Ayokong pumili.

Pagod na ako.

“Sabi ko sayo eh, siya pa rin ang pipiliin mo.” sabi ng kaibigan ko.

Ayan, pinili nanaman kita.

Ilang gabi pa?

Sinubukan kong bilangin ang mga gabing sinambit ko ang mga salitang “kakalimutan na kita.” Naka-ilang gabi ba ako bago kita maalala muli? Dalawa? Tatlo? Anim? Pang-ilan na nga ba? Pang-lima na yata, pang-lima na sana…

Kaso naalala nanaman kita. Kahit anong pilit ko sa sarili kong kalimutan ka, sumusulpot ka pa rin sa isipan ko maging sa mga oras na tambak ako ng gawain. Sa umaga, ikaw ang unang naiisip. Sa gabi, ikaw ang heleng walang sawa kong pinapakinggan. Ikaw ang bawat segundo sa pagitan ng aking umaga’t gabi, ang bawat araw ng aking malungkot na taon. Itutulak kita papunta sa sulok ng aking isipan pero bibilang lamang ako ng ilang gabi, andito ka nanaman. Mamaya, paniguradong lilitaw ang mga alaalang kailanma’y hindi naman nangyari. Magpapanggap nanaman akong nandito ka, kahit ang dapat ay kinakalimutan kita.

Ilang gabi nanaman kaya ang dadaan bago kita maalala ulit? Sana umabot man lang sa sampu ang pagbibilang na uumpisahan ko nanaman mamaya.