Iwanan mo na ako

Kung ubos na ang pagmamahalan

Kung maninitili lang dahil sa awa’t konsensya

Tumalikod ka na’t maglakad na papalayo

H’wag kang lilingon pabalik

Parang awa mo na, dumeretso ka lang

Sinanay mo akong ikaw ang laging sinasandalan

Ngayon ay kailangang sanayin ang sariling

Makita kang nakatalikod, malayo

Umpisahan mo na ang paglalakad

Alam kong matagal mo nang inaantay

Ang lakbay na hindi ako ang kasama

Advertisements